100 Araw: Nasaan ang Pagbabago?
08/10/2010 13:55
Oktubre 8 ang tinatayang ika‐100 araw sa panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Ito ang sinasabing sapat na panahon para sukatin ang mga reporma at patakaran ng isang administrasyon. Indikasyon ito ng maaaring itakbo ng kabuuan ng termino ng isang pinuno.
Ang unang isang daang araw ni Aquino sa Palasyo ay kinakitaan ng pagpapatuloy at papapatindi sa maraming patakaran ng nagdaang administrasyon; ng kabiguan sa pagpapanagot ng malalaking mandarambong tulad ni Arroyo, nagpapatuloy na paglabag sa karapatang pantao, patuloy na pangangayupapa sa dayuhan, kawalan ng reporma sa lupa, ang matinding bangayan ng mga paksyon sa loob ng administrasyon, at kahinaan sa pamumuno sa mga mahahalagang usapin tulad ng naganap na Manila hostage crisis. Ang unang 100 araw ay maituturing na salat sa tunay na pagbabago. [click here to read more ....100 days ]
Tags:
———
Back
